kung ako ang papipiliin
gusto kong maging sundalo
ipagtatanggol ka kahit saan
at dagliang sasaklolo
kung ako ang papipiliin
gusto kong maging doktor
magpapagaling at mag-aalaga
pati na sa aso mo at pusa
kung ako ang papipiliin
gusto kong maging abugado
ipaglalaban ka kahit kanino
hanggang umabot sa husgado
kung ako ang papipiliin
gusto kong maging anluwagi
igagawa kita ng bahay
at ako ang silbing haligi.
kung ako ang papipiliin
gusto kong maging bumbero
ngunit hindi ko papatayin
ang apoy ng pag-ibig natin
kung ako ang papipiliin
gusto kong maging guro
sayo'y gagabay at magtuturo
ng daan sa aking puso
kung ako ang papipiliin
gusto kong maging pangulo
ikaw ang aking unang ginang
at mamamahay tayo sa palasyo
kung ako ang papipiliin
gusto kong lagi kang makita
makikiusap kay Bathala
na makasama ka sa tuwina.
kung ako ang papipiliin
gusto kong maging mayaman
ibibigay lahat ng gusto mo
kahit nasa dulo ng mundo
kung ako ang papipiliin
gusto kong maging tayo
bigyan mo lang ako ng tiyempo
at dadalhin kita sa paraiso
OpenAI bans Chinese accounts using ChatGPT to edit code for social media
surveillance
-
OpenAI has banned the accounts of a group of Chinese users who had
attempted to use ChatGPT to debug and edit code for an AI social media
surveillance to...
13 hours ago
No comments:
Post a Comment