bakit kelangan muna madapa bago makatayo?
bakit kelangan muna matalo para makasuko?
naisip mo ba na baka naman merong ibang paraan
na pwede nating iwasan ang dating daan?
bakit kelangan masaktan upang matuto?
bakit kelangan magtiyaga para umasenso?
sadya nga bang daig ng maagap ang masipag
o sadyang kulang tayo sa disiplina, gabay at pagkalinga?
ano kayang laman ng utak ng mga taong nagtagumpay?
handa kaya sila tumulong, sumuporta't umagapay?
sa bawat pagdaluhong at pagsubok nitong buhay,
kakayanin ba nating mabuhay ng matiwasay?
bakit ang iba kunteto na sa simpleng buhay?
bakit hindi maghangad ng ibang antas ng tagumpay?
sadya nga bang tamad tayo o hindi makuntento
o kaya nama'y kulang sa gabay, direksyon at pagtuturo?
bakit ang iba sobra ang kayamanan?
at ang iba naman sukdulan ang kahirapan?
meron bang dapat sisihin kung bakit magkakaiba tayo?
kung lahat nama'y may bente-kwatro oras pare-pareho?
bakit nga ba kung gusto may paraan,
at kung ayaw may dahilan?
kung ang puso'y patuloy na magdurugo
may pag-asa pa ba itong makalayo?
ang daming kong tanong napansin mo ba?
walang magawa kundi pagdugtungin ang mga salita.
hindi ba't maganda naman kung sila'y pakikinggan
at kung titingnan mabuti ay pwedeng gawaan ng paraan
sa paglubog ng araw at pagsikat ng buwan
itatanong mo sa sarili mo.
sa pagtatapos ng araw na ito
alin sa mga nagawa ko ang ipagmamalaki ko?
The FTC is investigating Uber for its subscription policies
-
The Federal Trade Commission has put Uber in its sights once again.
*Bloomberg* reported that the regulator is investigating complaints about
the Uber On...
5 hours ago
No comments:
Post a Comment