Sunday, September 12, 2010

Buti Pa Sila...from my facebook notes

this post is not about running:

i tried thinking about the first stanza...then it rhymed..haha
here's the whole thing:

Buti Pa Sila..
~Jemuel Bayot

mabuti pa ang salamin lagi may tumitingin;
mabuti pa ang yosi nadadampian ng labi;
mabuti pa ang cornetto dinidilaan ng husto;
mabuti pa ang asukal, nasasabihan ng 'mahal'

mabuti pa ang laptop lagi mong tinititigan;
mabuti pa ang mouse lagi mong hinahawakan;
mabuti pa sa facebook hindi ka nayayamot;
mabuti pa ang cellphone lagi mo pinipindot.

ano bang meron sila na wala ako;
ano bang ginawa nila na hindi kaya ko;
pag hindi ko nakita ni ang iyong anino;
akala mo'y may gera sa loob ng aking kwarto

mabuti pa ang telepono, dumadampi sa pisngi mo;
at mas mapalad ang iyong aso, na pinapakain mo;
ano bang meron ka na wala ang iba;
at ako'y nahumaling sa iyong ganda.

mabuti pa ang iyong unan, madalas mo nahahagkan;
lagi mong yakap-yakap lalo na't umuulan;
mabuti pa ang iyong kumot kahit ika'y mamaluktot;
hindi ka hahayaang papakin ng mga lamok.

naiinggit ako sa panyo mong kulay pula;
sipunin ka man o pagpawisan, magbibigay ginhawa
bakit nga ba ganun ang buhay sa mundo
kung sinong gusto mo, siyang may ayaw sa iyo.

bakit ayaw mong hayaang ika'y aking mahalin;
isa lang naman ang aking hinihiling;
na tayo'y magkausap ng tapat at taimtim
at aking maipahiwatig ang pag-ibig na may diin.


Originally from my facebook notes

No comments:

Post a Comment